Sa gitna ng pandemyang dulot ng coronavirus disease, nagsisikap ang Sangguniang Bayan ng Midsayap sa pamumuno ni Vice Mayor Manuel Rabara upang magampanan ang mga responsibilidad at tungkulin nito.

Pinagtibay sa pamamagitan ng SB Resolution 2021-120 ang pagsasagawa ng SB Sessions sa pamamagitan ng virtual platform na Zoom.

Gagawin din via Zoom ang SB Committee Meetings alinsunod na rin sa SB Resolution No. 2021-121.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng mga aksyon ng SB sa gitna ng hamon ng pandemya at tumataas na kaso ng nagpopositibo sa COVID-19 dito sa bayan.

Ayon sa Local Government Code of 1991 Section 52 (a), pinapayagan ang Sangguniang Bayan na tukuyin ang schedule at venue ng mga pagpupulong nito.