Sa idinaos na 98th Regular Session ng SB via Zoom noong June 8, 2021 ay ipinasa ang Ordinance No. 472 o ang Supplemental Investment Program No. 01 ng LGU Midsayap para sa taong kasalukuyan. Abot sa P18,418,216.61 ang pondong ilalaan para sa priority programs, projects and activities (PPAs) ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng nasabing ordinansa. Kabilang dito ang mga sumusunod na PPAs; Support to Shelter (P200,000.00), Support to Local Legislative Awards (P300,000.00), Support to the Crafting of Economic Enterprise Code & Operation Manual (P200,000.00), Support to LGU Website (P100,000.00), Crafting of Comprehensive Drainage Plan (P3,200,000.00), Support to Sports Excellence (P500,000.00), Support to LGU Midsayap Small Business Financial Assistance Relief Program (P4,000,000.00), Support to E-NGAS (P300,000.00), at Power Supply Systems Outlay (P1,500,000.00). Kasama rin ang Office Building Outlay (P3,000,000.00) para sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ang Repair & Maintenance of Office Building na nagkakahalaga ng P200,000.00 para sa Municipal Treasurer’s Office (MTO) at Other Machinery, Plant & Equipment Outlay na nagkakahalaga ng P550,000.00 para sa Municipal Health Office (MHO). Nais ring papondohan sa ilalim ng ordinansa ang Additional Concreting of Road at Slaughterhouse sa Barangay Ilbocean (P1,500,000.00), Installation of Water System sa Purok Waling-waling sa Barangay Kimagango (P400,000.00), Rehabilitation of Drainage Canal along Gabriela Silang Street sa Poblacion 3 (P1,350,500.00), Concreting of Canal and Concrete Pavement sa Purok Orchid, Poblacion 8 (P697,711.6) at ang Construction of Slope Protection sa Barangay Milaya            (P420,005.00). Ang hakbang na ito ay batay sa rekomendasyon ng Municipal Development Council (MDC) sa pamamagitan ng MDC Resolution No. 2021-006.