Dagdag na P5 Million pondo ang inilaan ng LGU Midsayap para sa COVID response programs.

Ito ay nakapaloob sa Ordinance No. 460 o ang Supplemental Budget No. 01 for FY 2021 ng lokal na pamahalaan na ipinasa ng Sangguniang Bayan noong May 25 sa 96th Regular Session nito.

Kabilang sa alokasyon ng nasabing pondo ay ang para sa food supply allocation para sa health care providers mula RHU, DOH, PNP, TMU, BFP, AFP, at Bantay Bayan, advocacy campaign and social mobilization.

Tutugunan din ng dagdag na pondo ang pagbili ng medicine at medical supplies para sa Adverse Effects Following Immunization (AEFI) tulad ng oxygen tanks with cart and refill, adult wheel chairs, ambulance stretchers at mga gamot dagdag pa ang Personal Protective Equipment (PPEs), Medical Supplies at Medicines para COVID-19 suspect, probable & positive patients nan aka-isolate sa Midsayap Isolation Unit.

Kasali din sa pondo ang IT equipment na gagamitin sa vaccine online registration at sa Midsayap Isolation Unit, gasoline and operations for COVID-19 related referrals, sahod para sa para sa mga doctor, encoders at meal allowance/hazard pay incentives para sa mga isolation staff.