Midsayap, Cotabato – Sa kanyang State of the Municipality Address (SOMA) na bahagi ng 97th Regular Session ng Sangguniang Bayan (SB) noong June 1, inihayag ni Mayor Romeo Arańa ang pasasalamat nito sa suporta ng SB sa mga inisyatibo ng LGU Midsayap sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 “Gusto ko ipabalo sa tanan nga sa panahon sang pandemya, kaupod naton ang aton Vice Mayor kag mga Konsehal sa pag-paabot sang serbisyo sa katawhan. The Sangguniang Bayan through the Leadership of our Vice Mayor Maning Rabara played a very significant role during the Enhanced Community Quarantine. Vice Mayor Rabara served as our Vice Chairperson of the ICS-EOC on COVID-19 and Councilor Deomampo was tasked as the Incident Commander”, ayon kay Mayor Arańa.

Pinuri rin ng alkalde ang mga konsehal na naging malaking tulong sa pagpapaabot ng ayuda sa mga barangay sa panahon ng ECQ.

“My salute also to the members of the Sangguniang Bayan – our Municipal Councilors, for extending extra efforts during the distribution of essential goods, face masks, face shields, alcohol dispensers and ayuda to our fellow Midsayapeńos and for sharing their time and initiatives as responsible officers of the various committees of the ICS-EOC COVID-19 Operation Section”, dagdag ni Mayor Arańa.

Sangguniang Bayan suportado ang liderato ni Mayor Arańa

Bilang tugon sa SOMA ni Mayor Arańa, inihayag naman ni Vice Mayor Manuel Rabara ang suporta ng Sangguniang Bayan sa pamunuan ng alkalde.

“Alam ng ating butihing Mayor na ang Sanggunian Bayan ay laging nakasuporta sa mga programa, proyekto at aktibidad na isinusulong ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng iba’t – ibang departamento upang makamit natin ang ninanais na kapayapaan at kaunlaran para sa ating mga kababayan”, pahayag ni VM Rabara.

Magpapatuloy naman umano ang mga hakbang ng SB upang maipasa ang mga kaukulang legislative action na nakasaad sa Executive Legislative Agenda (ELA) at makipagtulungan sa iba’t-ibang stakeholders para sa kaunlaran ng Midsayap.

“Our dedication and perseverance are alive as we continue to achieve our commitments as provided in our Executive Legislative Agenda or ELA. Sa atong mga partners, daghan kaayong salamat sa inyong suporta sa atong mga kalihukan isip legislators ug public servants para sa kaayuhan sa atong pinalangga nga Midsayap”, dadgag ni VM Rabara.

Pinasalamatan rin ni VM Rabara ang suporta ng mga konsehal at ang mga kawani ng SB sa lahat ng mga gawain ng legislative department sa nakalipas na taon at mga susunod pang panahon.