Ipinagdiwang sa bayan ng Midsayap ang International Women’s Day noong March 8, 2021 sa pangunguna ng Gender and Development (GAD) Focal Point System (FPS) ng LGU Midsayap.

Idinaos ang programa sa Esperanza Garcia Municipal Gymnasium sa Poblacion 6 kung saan dinaluhan ito ng mga kinatawan ng iba’t-ibang women’s group tulad ng Catholic Women’s League (CWL), Solo Parents Federation, Day Care Workers (DCW) Association, Municipal Rural Improvement Club (MRIC), Barangay Health Workers (BHWs) Association, Barangay Nutrition Scholars (BNS), Midsayap Association of Differently Abled Persons (MADAP) Midsayap Umbrella Sidewalk Vendors Association (MUSVA), Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) at Greater Midsayap Chamber of Commerce and Industry.

Dumalo rin sa programa si Dulia D. Sultan, Provincial Board Member at kinatawan ni Cotabato Governor Nancy Catamco.

Ayon kay BM Sultan, napakahalaga umano ang sektor ng kababaihan sa kaunlaran ng lalawigan ng Cotabato. Ibinahagi rin nito ang mga programang ginagawa ng Provincial Government of Cotabato sa pamumuno ni Gov. Catamco.

Sa kanyang mensahe ay binigyang-diin ni Mayor Romeo Arańa ang mahalagang bahagi ng kababaihan sa pag-unlad ng kanilang pamilya at komunidad.

“Sa kapakyasan kag kadaugan sa kalalakihan, ara sa likod nila ang kababaihan”, pahayag ni Mayor Arańa. 

Samantala, bahagi din ng International Women’s Day program ang pagbibigay ng parangal sa women entrepreneurs sa pamamagitan ng “Natatanging Babae Awards 2021”.  

Iginawad ang “Natatanging Babaeng Entrepenyur 2021 sa mga sumusunod: Lovely Panes ng Patricia Cakes and Pastries mula sa Barangay Sadaan para sa Food category at Fe Samperoy ng Besties Stitches and Prints mula sa Barangay Upper Glad II para sa Non-Food Category.

Sila ay tumanggap ng certificate at cash awards mula sa GFPS ng LGU Midsayap at Local Council for Women.

Ayon kay Lucrecia Neri, Midsayap Council of Women President, ang “Natatanging Babae Awards” ay bahagi ng mga hakbang ng konseho ng mga kababaihan upang hikayatin pa ang sektor ng kababaihan sa bayan na makiisa sa mga programang nagsusulong ng gender and development sa larangan ng pagnenegosyo.

Nagpakita din ng suporta sa selebrasyon ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan ng Midsayap na sina Konsehal Edgar Ostique, Jr., Konsehal Chelin Monica Arańa, Konsehal Vivencio Deomampo, Jr., Konsehal Maria Belen Sabio, at Konsehal Justine Clio Ostique.

Nasa programa din sina Provincial Board Member Shirlyn Macasarte-Villanueva, SK Provincial Federation President Sarah Joy Simblante, Municipal Local Government Operations Officer Sadria Paglala, at DTI Cotabato Satellite Office Carlito Nuńez.

Nakasentro ang selebrasyon ng National Women’s Month 2021 at International Women’s Day sa Midsayap sa temang “Juana Laban sa Pandemya: Kaya!