Patuloy ang isinasawagang Responsible Safety Driving Seminar para sa mga operator at mga driver ng Motorized-Tricycle-for-Hire (MTH) dito sa bayan sa pangunguna ng Midsayap Tricycle-For-Hire Franchising and Regulatory Board (MTFRB).

Una nang idinaos ang serye ng nasabing seminar mula January 5-8 sa Esperanza Garcia Municipal Gymnasium sa Poblacion 6 kung saan striktong ipinapatupad ang health protocols tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face shield at face mask sa loob ng venue.

Kabilang sa mga tinatalakay sa seminar ay ang mga sumusunod:

Overview of the MTH CodeSB Secretary
Traffic Rules and RegulationsPNP Midsayap
Driver’s License ProcessingLTO Midsayap District Office
Franchise ProcessingOffice of the Municipal Treasurer
Hygiene and SanitationOffice of the Municipal Health Officer
Traffic RulesTransportation and Traffic Management Section
New Normal Policy Against COVID-19Incident Commander of ICS-EOC on COVID-19

Binigyang-diin naman ni Vice Mayor Manuel ‘Maning’ Rabara, Chairperson ng MTFRB, na responsibilidad ng mga operators at drivers ng MTH na magrenew ng kanilang mga prangkisa dahil ito ang itinatakda ng ordinansa.

“Ang mga regulasyon na ipinatutupad ng MTFRB sa aplikasyon at renewal ng mga franchise ay bahagi ng panuntunan na nakasaad sa Municipal Ordinance No. 261 o ang MTH Franchising and Regulatory Code of Midsayap,” paalala ni Vice Mayor Rabara.

Ayon sa Municipal Ordinance No. 261 ang Responsible Safety Driving Seminar ay isa sa mga requirements para makakuha ng annual permit ang isang MTH Driver.

Pinalalahanan din ni Vice Mayor Rabara ang mga dumadalo sa seminar na sundin pa rin ang health protocols dahil hindi pa nawawala ang banta ng pagkalat ng coronavirus disease.

Vice Mayor Manuel M. Rabara , DMD

Temporary Tricycle Route Plan

Patuloy naman ang LGU Midsayap sa implementasyon ng DILG MC 2020-036 o ang bawal na pagbyahe ng mga traysikel sa national highway.

Sa mga naganap na Responsible Safety Driving Seminar ay muling binigyang-diin ni Vice Mayor Rabara na sinusunod lamang ng lokal na pamahalaan ang direktiba ng DILG kaugnay sa hindi pagpapahintulot sa mga traysikel na dumaan sa kabahaan ng Davao-Cotabato National Highway at sa Quezon Avenue na bahagi ng Midsayap-Makar Road.

Ayon pa rin sa Bise-Alkalde, hindi layunin ng lokal na pamahalaan na pahirapan ang MTH operators at drivers dahil ito ay bahagi ng direktiba mula sa national government na kailangang maipatupad ng mga LGU.