Tuloy ang selebrasyon ng Halad Festival ngayong taon sa makabagong normal na paraan.

Kahit pa man na kanselado muna ngayong taon ang street dancing and showdown dahil pa rin sa banta ng coronavirus disease pandemic, may mga aktibidad na inilatag naman ang festival organizing committee upang magpatuloy ang selebrasyon ng pasasalamat.

Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Midsayap, ang Halad Festival Host ngayong taon, nagsagawa ng mga pisikal na aktibidad para ipagdiwang ang Halad Festival bisperas ng Araw ng Kapistahan ng Santo Nińo, ang patron saint ng Bayan gn Midsayap.

Halad sa Kadalanan

Noong Sabado, January 16, nagsagawa ng motorcade sa mga pangunahing kalsada dito sa bayan. Ipinarada ang float sakay ang Halad Festival Queen na bitbit at isinasayaw ang imahe ng Batang Hesus. Mula sa Hill Park sa Poblacion 8 ay idinaan ang float sa kabahaan ng Quezon Avenue hanggang sa harap ng Archdiocesan Shrine of Senior Santo Nińo sa Sto. Nińo Street at nagtapos sa open grounds ng Notre Dame of Midsayap College.

Sabay sa nasabing parada ay ang street drum motorcade na tinaguriang “Midsayap Halad Drums & Beats” na pinangunahan ng Midsayap Drumbeaters. Nagsibling musika at tugtugin ang tunog ng mga tambol habang ipinaparada ang float sakay ang Halad Festival Queen at imahe ng Sto. Nińo.

Daghang Salamat sa Grasyang Nadawat: Halad Festival 2021 New Normal Program

Sa makabagong normal na pamamaraan ay nagsagawa ng payak at simpleng programa para sa selebrasyon ng Halad Day na ginanap sa Mahangin Area ng Notre Dame of Midsayap College dito sa bayan.

Unang bahagi ng programa ang Halad Zumba-Saya na pinangunahan ng Sayap Crew Zumba Coaches at linahukan ng kabataang Midsayapenyo at iba pang sector upang isulong ang healthy lifestyle sa paglaban sa pandemya.  

Lumahok din sa programa ang mga kasapi ng Sagguniang Bayan ng Midsayap na kinabibilangan nina Vice Mayor Manuel Rabara, Konsehal Maria Belen B. Sabio, Konsehal Justine Clio M. Ostique, at Ex-Officio Member at SK Municipal Federation President Mark Ferven L. Avance.

Vice Mayor Manuel M. Rabara, DMD

Inihayag naman ni Vice Mayor Rabara ang kahalagahan ng pagdiriwang ng Halad Festival sa gitna ng pandemya.

“Dako gihapon ang akong kalipay kay bisan walay daghang tawo ug dili busy ang kadalanan, magpadayon ang atong selebrasyon sa Halad Festival through online and digital. Ang labing importante kay ang atong pagsalig sa Ginoo”, pahayag ni Vice Mayor Manuel ‘Maning’ Rabara sa idinaos na new normal program.

Councilor Maria Belen B. Sabio
Councilor Justine Clio M. Ostique
Ex-Officio Member at SK Municipal Federation President Mark Ferven L. Avance

Tikang-Tabon: Halad Dance of the People

Wala mang street dancing and showdown ngayong taon ay tuloy naman ang pagpapalaganap ng sariling tunog at sayaw ng Halad Festival o ang “tikang-tabon”.

Ang tikang-tabon ay ang nagsisilbing pagkakakilanlan o identity ng Halad Festival sa iba pang mga festival na idinadaos sa ibang bahagi ng bansa. Ang dance steps nito ay batay sa mga gawain sa pagsasaka na pangunahing hanapbuhay ng mga Midsayapeńo.

Sa idinaos na new normal program noong Sabado, January 16, ay nagsagawa ng solidarity dance sa pangunguna ng Midsayap Dance Society kung saan tampok ang tikang-tabon. Ang mga dumalo sa programa ay sabay na sinayawa ang tkiang-tabon at sinisigaw ang mga salitang “Daghang Salamat sa Grasyang Nadawat! Halad!” na siya namang nagbigay ng malalim na kahulugan sa layunin ng selebrasyon – One Beat, One Dance, One Midsayap.

Ang Halad Festival ay itinuturing na mahalagang religious and cultural celebration sa bahaging ito ng Rehion Dose na nakasentro sa debosyon at pasasalamat sa Batang Hesus, ang Santo Nińo. Ang ‘halad’ ay Visayan term na nangangahulugang ‘alay’.

Tema ng Halad Festival ngayong taon ay “Sto. Nińo: Gasa sa Katawhan Arun Ipaambit Ngadto sa Uban”.