Ipinasa na ng Sangguniang Bayan ng Midsayap ang New Normal Policy Against COVID-19 idinaos na 68th Regular Session nito noong ika-3 ng Nobyembre. 

Ang nasabing batas pambayan ay inakda nina Konsehal Vivencio V. Deomampo, Jr. at Konsehal Chelin Monica J. Arańa bilang hakbang upang malabanan ang banta ng coronavirus disease dito sa bayan. 

Mahahalagang probisyon ng New Normal Ordinance

Nakasaad sa ordinansa ang mandatory wearing of face mask at face shield sa mga pampublikong lugar at paghikayat sa mga may-ari ng business establishments na maglagay ng signages na nagpapaalala sa sinumang papasok sa kanilang establisyemento na magsuot ng face mask at face shiled. 

Ayon din sa nasabing ordinansa, kailangang magsagawa ng disinfection and sanitation procedures ang mga establisyemento nago magbukas at magsara.  Required din mga business establishments na maglagay ng foot bath, alcohol or sanitizers para sa kanilang customers. 

Itinatakda din ng ordinansang ito ang paglalagay ng logbook para sa contact tracing, curfew hours mula alas-nuwebe ng gabi hanggang alas singko ng umaga.

Papayagan naman ang pagbebenta ng alak ngunit ipinagbabawal ang inuman sa mga pampublikong lugar. Hindi rin pahihintulutan ang pagsasagawa ng sabong, paglalaro ng darts, billiards, basketball at iba pang contact-sports alinsunod sa Section 10 (a) and (b) ng nasabing ordinansa. 

Hindi rin pinapayagan ang handshaking at fist-bumping. 

Ang mass gatherings tulad ng cultural, sports, religious, assemblies, conventions at iba pang aktibidad ay kailangang sumunod sa mga itinakdang health protocol sa ilalim ng omnibus guidelines na inilabas ng National Inter-Agency Task Force at kailangang 50 percent lamang ng venue capacity. 

Kailangan ding maglagay ng plastic o impermeable barriers ang mga pampublikong sasakyan tulad ng multicab, jeep at motorized tricycle-for-hire. 

May itinakda ring limitasyon sa bilang ng mga pasahero sa mga pribadong sasakyan. 

Ipatutupad din sa ilalim ng ordinansa ang physical distancing habang hindi pa naaalis ang banta ng COVID-19. 

Nakasaad din sa ordinansa na ang mga accommodation establishment na nais mag-operate para sa accommodation of guests or operation of in-house food facilities for take-out delivery services ay kailangang magkaroon ng Certificate of Authority to Operate mula sa Department of Tourism (DOT). 

Bahagi rin ng ordinansa ang adbokasiya ng Disilipina Muna Campaign.

Nakasaad din sa new normal ordinance ang pagsunod sa itinakdang patakaran ng Department of Health o DOH sa handling at disposal ng mga labi ng confirmed COVID-19 cases at Person Under Investigation o PUI.

Penalty sa mga lalabag sa ordinansa

Ang mga indibidwal na lalabag sa probisyon ng ordinansang ito ay papatawan ng sumusunod na penalty;

Unang PaglabagP1,000.00 multa o 8 walong oras na community service
Ikalawang PaglabagP2,000.00 multa o 12 walong oras na community service
Ikatlong PaglabagP2,500.00 multa at hindi papayagang lumabas sa kanyang bahay ayon sa rekomendasyon ng MIATF on COVID 19 na hindi lalampas ng 30 araw

Kung ang mahuhuling lalabag ay isang menor de edad, siya ay huhulihin ayon sa applicable provisions ng Child and Youth Welfare Code of Midsayap (Municipal Ordinance No. 299) at ang kanyang mga magulang ang papatawan ng kaukulang penalty. 

Ang mga restaurant, karenderya, at iba pang food establishments ay papayagang mag-operate ngunit 50% lamang na kapasidad ng establisyemento at ang lahat ng servers ay kailangang magsuot ng face mask at face shield. 

Any mga establishment na mag-ooperate na walang DOT Certificate of Authority to Operate o lalabag sa probisyon ng ordinansang ito ay papatawan ng sumusunod na penalty; 

Unang PaglabagP1,000.00
Ikalawang PaglabagP2,000.00 
Ikatlong PaglabagP2,500.00 at rebokasyon ng business permit at pagpapasara ng establisyemento

Binibigyan naman ng otorisasyon ang mga sumusunod na ahensya upang ipatupad ang ordinansang ito;

UNITSCOVERAGE
Midsayap Municipal Police Station Paglabag sa hindi pagsusuot ng facemask at face shields dito sa bayan ng Midsayap
Bureau of Fire Protection- MidsayapPaglabag sa disinfection at sanitation protocols dito sa bayan ng Midsayap
Surveillance  Unit (LDRRMO, PESO, BPLO, MENRO)Paglabag sa mga probisyon ng ordinansang ito
TourismPaglabag ng business establishments, accommodation establishments
Barangay Councils and BPATsPaglabag sa hindi pagsusuot ng facemask at face shields sa kanilang barangay at paglabag sa sanitation protocols ng mga karenderya sa kanilang barangay
TTMSPaglabag sa hindi pagsusuot ng facemask at face shields habang nasa pampublikong sasakyan
AFPPaglabag sa hindi pagsusuot ng facemask at face shields sa mga checkpoints dito sa bayan

Inaprubahan naman ni Mayor Romeo Arańa ang ordinansang ito noong November 13, 2020.