Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang supplemental budgets ng mga barangay para sa patuloy na programa laban sa epekto ng coronavirus disease pandemic dito sa bayan.

Ang dagdag na mga pondo na mula sa 20% Economic Development Fund (EDF) ng mga barangay ay ibibili ng mga food supplies na ipapamahagi sa mga residente ng kanilang barangay.

Gagamitin sana ng mga barangay ang kanilang 20% EDF para sa mga proyekto tulad ng pagsasaayos ng mga kalsada at kanal, water system, streetlights,  at iba pang infrastructure developments sa kanilang barangay ngunit dahil sa epekto ng pandemic ay maaring magamit ang 20% EDF sa mga programa kontra-CoVid-19. 

Sa pamamagitan ng SB Resolution Nos. 2020-068 at 2020-069 na ipinasa sa idinaos na 41st Regular Session ng Sangguniang Bayan noong Martes, April 28, abot sa 35 barangay ang naaprubahan ang supplemental budgets na tutugon sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan sa krisis na dulot ng CoViD-19.

Narito ang listahan ng pagmumulan ng pondo at halaga ng mga proyektong nakasaad sa 20% EDF na i-rerealign para sa pagbili ng dagdag tulong para sa mga mamamayan ng iba’t-ibang barangay.   

Ayon kay Konsehal Maria Belen Sabio, Chairperson ng Committee on Finance, Budget and Appropriation, Ways and Means, at siya ring sponsor ng SB Resolution Nos. 2020-068 at 2020-069, maaaring i-realign ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang 20% EDF para sa mga programang tutugon sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan ngayong panahon ng CoViD-19 pandemic.

Ito ay batay sa Joint Memorandum Circular No. 01 na may petsang March 27, 2020 ng Department of the Interior and Local Governemnt (DILG) at ng Department of Budget and Management (DBM) , ayon kay Konsehal Sabio. 

Matatandaang isinailalim ang buong bayan ng Midsayap sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang April 30 ng taong kasalukuyan.